Karapatan ng mga hayop.

Sa buhay may iba't-ibang pamumuhay hindi lamang ang tao ang kumakayod, kundi pati narin ang mga nakapaligid sa atin. Marahil minsan ang iba sa kanila ay ating kinakatakutan. Dahil sa nagdadala sila ng sakit sa ating mga kalusugan, nagiging sakim at iba pa. Maaaring ang iba sa kanila ay mababait at ito'y nakadepende sa kung ano ang pagtrato natin sa kanila. Marami ang namumuhay sa mundo, maaaring alam mo kung sino at maaaring hindi mo rin alam kung ano ito. Kaya't kinakailangan bigyan natin ng halaga, pansin, at respetuhin dahil sa mundo may iba't- iba tayong katangian at layunin. Kadalasan inaabuso ng mga tao ang mga hayop, sinasaktan, tinatrato ng hindi tama, lingid sa kanilang kaalaman na unti-unti ng nawawala sa mundo ang mga hayop na inaabuso nila. Ang mga hayop ay inaalagaan hindi sinasaktan, dahil pagdating ng panahon tayo at tayo din ang makikinabang kung lahat ng mga endangered species at pangalagaan ng tama paramihin at hindi dapat hinuhuli ang mga hayop na matagal maparami at pangalagaan lahat ng mga tirahan ng mga hayop sa mga kagubatan, dagat at lupa. Maaaring kadalasan sa mga hayop ay napapakinabangan ngunit kailangan natin itong tratuhin ng tama, dahil tayo rin naman ang nakikinabang kailangan nating pangalagaan ng tama ang mga hayop dahil katulad din natin silang nabubuhay sa mundo na may damdamin at nasasaktan rin, hindi lang natin nakikita, ngunit nararamdaman, tulad ng aso kapag sila ay nasasaktan hindi natin nararamdaman, pero kung titignan natin sila sa kanilang mga mata sila talaga ay nasasaktan. Minsan talaga sa buhay may mga pangyayaring nagaganap ng hindi natin nararamdaman o di kaya'y inaasahan. Minsan kailangan nating gamitin ang mga mata, tinga, pandama at talas ng isip. Hindi lang ating puso, maaaring siya ang una, ngunit kailangan ng parte ng katawan upang ating madama. Dapat nating pahalagahan ang bawat isa dahil ang buhay ay hawak lang natin isa-isa.



Comments